♥ sEii - 30 ♥

♥ sEii - 30 ♥
♥ sEii - 30 ♥

wanna view?

Thursday, September 8, 2011

.



L i g a w - T i n g i n
Ezzard R. Gilbang
Sinasalubong mo ng patagong pansin
ang tingin kong walang masambit na tinig.
Na sanlibo’t isa ang nais bigkasin
at higit sa bihis ng hugis at guhit
ang kahulugan na nais kong sabihin.
May anyayang tugon ang iyong pagsulyap.
May hiwagang alok sa aking haraya.
May mahikang haplos na ayaw kumurap
sa pananaginip ng mulat kung diwa
kapag ang mata mo’t mata ko’y nag-usap.
Ngunit nahuhulog ang luhog kong handog
sa bangin ng titig na ayaw manulay
sa mga katagang sa hangin ‘sinabog.
Sa hanging libingan ng lahat kong alay.
Magbabangon kaya ang aking pagdulog?
Hanggang sa ang sulyap mo ay naging mailap
Sa tingin ko’y pilit mo nang inilayo.
Pala’y ang puso mo’y iba na’ng katiyap,
sa iba’y tumugon ng kapwa pagsuyo.
At minsang ang mata natin ay mag-usap,
Ang hangi’y umihip ng himig pagsumbat.
  
halik ni spiderman
Ryan Andrew Dizon
dampi ng labing ulap ang ramdam
laway ay tamis ng pulot ang taglay
hiningang nagdaan sa init ng bugso
lambot ng dilang naglalaro ng pag-ibig


 

zwani.com myspace graphic comments

kaluluwa mo'y halos lumikas ng tahanan
naghawak na kamay siyang bumuo ng pangako
ikaw ay akin sa sandali
panahong tumatak sa hubad na isip

nakitang ikaw nga ay aking iniibig ♥


Ikaw Na
Claire Serquina
ikaw na ang pangarap na aking tangan
mistulang bahaghari kasunod ng ulan
ang sinag ng aking araw at bituin sa karimlan
abang ang umagang walang katapusan

winaglit ang kahapon na puno ng lumbay
lumisan sa agos ng madalamhating buhay
iyong binuo ang pira-pirasong tulay
patungo sa pusong akala ko'y nahimlay

ginising ang diwa ng iyong pagsinta
nahulog ang damdamin sa balon ng saya
tumigil sa pag-ikot ang mundong balisa
upang magbabad sa bisig mong payapa

sa iyo na ibabaling ang lahat ng pansin
ako'y ihatid sa kung saan man nais marating
nagkasala man, pag-ibig ko ang salarin
bihagin ang lingkod sa rehas ng iyong loobin

ikaw na at ako sa darating pang taon
sinagot ang hiling sa mahabang panahon
sabay tayong tatahak sa hinaharap nakatuon
ikaw lang ang iibigin hindi lamang sa ngayon
zwani.com myspace graphic comments
 
Ikaw at Ako
Jared Richard Uy
Ikaw ang may kagagawan
Kung bakit dating mundo'y nilisan
Hinarap ang di kilalang daigdig
Para sa natatanging pag-ibig

Ikaw ang kaloob ni Bathala
Kahit pagitan nati'y buwan at mga tala
Napangyaring magkrus ang landas
Oo, masarap pa pala gumising bukas

Ikaw ang nagpapangiti sa aking mundo
Kulay itim, naging puti sa piling mo
Bawat segundong malayo ka
Kapalit saki'y masidhing pagdurusa

Ikaw ang simbolo na buhay ako
Nag-iisang dahilan ng aking kaligayahan
Pinagmumulan ng lakas sa pag-gising
Kasama sa pagtulog ang isang hiling

Ikaw ang musika sa aking isipan
San man magtungo, tinig mo ang napapakinggan
Kahit sino ka'y wala akong pakialam
Mahagkan ka lamang, ito ang tanging asam

Ikaw ang aking sinta
kahit hindi tayo madalas magkita
Darating ang araw, paghihintay ay matatapos din
Ikaw at ako, anuman ang mangyari
Walang pipigil sa atin
 
Karugtong Na Bulong, Noon At Ngayon
Raul Funilas
Binulungan kita:
Usal ko'y: I love you!
Ikaw'y malikmatang
Sabi'y: I love you too!

Iyon ang simula
Ng ating pag-ibig,
Tayo'y mga batang
Sadyang nanaginip.

Panahong limayo'y
Bumilang ng buwan,
Hindi naglalaho
Ang pagmamahalan.

Ang bulong ko noon
Ay tulad rin ngayon.




Wednesday, September 7, 2011


♥ mei UNGGikO ♥

hahaha ...  nakakatawa ang tawq kunq tuh sa kenia !! hehe ... mg erep0rt ksi sia ei ! nunq qmwa kme nq rep0rt nia, puro UNGGOY .. hehe .. lqi nlnq daw m0nkey anq knia .. kea un.. heheheh .. ang srap tlqa nq tawa kuh ... :)) peo wiLabk kuh prin iun ! hehe muaah!!! :'>

Monday, August 22, 2011


zwani.com myspace graphic comments


Teka, panu ba ito ?
Sa aking puso, ikaw lang ang nag-iisa,
Pangako, wala nang iba.
Ang mukha mo palagi sa aking isipan,
Matibay talaga ang ating pag-mamahalan.

Palaging binabanggit ng puso

Ang unang pangalan ko dugtong sa apelyido mo.
Ika-dalawampu't dalawa, umamin sayo,
Hanggang magpakailanpaman ikaw ang aking mundo.

Labis ang kasiyahan na tawagin kitang akin,

Mahirap ipaliwanag ang nasa aking damdamin.
Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi,
Dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay mananatili.

Ang ideya mo, sa aking puso ay makalaktaw,

Mga paruparo sa tiyan ko gabi at araw.
Ang sakit na binibigay ng iba, mapapaalis mo,
Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.

Sisiguraduin kong hindi kita paiiyakin o sasaktan,

Di parati ang lalakeng tulad mo ay aking matatagpuan.
Pagmawala ka sa akin, yan ay di ko makakaya,
Mamahalin kita palagi ng lubos, ito ang aking sumpa.
, hehe, triP Lnq !!

Wednesday, July 6, 2011

It Started with A Gossip


-> hehe... anq Loko tlaga... nunq una, npaka-imposible toh ngaun pero bakit LUMALA?
-> Para na akong naaadik na tlga sa kanya.. kakatawa.., 

                 Umpisa lng nung pinag-uusapan ka nmin, mejo ntaranta ko sa welcome feelings prang nkakakilig pero hindi ko inaasahang totohanin ko un.. nsbi lng nmn nla na crush mo ko pero ayw ko mniwla, bagkus IIMBESTIGAHAN PA KTA ! pero, mga gngwa mu nuon, prang png-friend lng tlga.. kinoconvince ko srili ko na pbyaan nlng ung gusto nia mngyari, la pkielam.. nging gnunu agad? bilis nmn ... mtagal lng nghintay gnon?

                 Lagi na akong tingin ng tingin.., Gusto ko na iwasan dhil alam kong wala eh.. ang hirap tlaga.. Sya laginq iniicp ko at binabangungot ako sa kanya.. 6RRRR... Isa yan sa mga pnaginip ko sa knya eh..

           LOLZ! kakainis nga eh.., mukhang in-Love na nmn ako !! Sana mawala na toh! tanggap ko nmn png-Friends lng tau kea nga nung umpisa plang iniiwasan ko ang ganito.. kaso bat ganun? di ata successful.. tpos khit anung gwin ko, bakit di ako mkalayo..? Hindi ko rin maintindihan ung mga gngwa mo saking tulong at mga importansya.. pero di pa un sapat pra mlaman ko ung nraramdaman mo sakin noh .. Ayuko nmn mgtamang Hinala noh ! kso nguguluhan na ko sau.. 
           khit na pinakita o nkita ko na ung babaeng pnapantsya mo, bat prang feeling ko prin, gnun prin ang pakiramdam mu skin? bat ganun?.. nakakainis.., kung kelan may gusto na ako sau, tsaka mo pa ko pingpaprint nung babae mo.. kainis ka nmn.. pero ok lng un.. sna mawala na toh.. khit na perfect kang idea, di prin kya ng utak ko na mareach ka dhil auko at uala clang mgagawa don....OKAY ?

W.A.R.N.I.N.G!!

I ♥ ME !

Myspace Graphics
Myspace Graphics
Myspace Graphics
Myspace Graphics
Myspace Graphics