♥ sEii - 30 ♥

♥ sEii - 30 ♥
♥ sEii - 30 ♥

wanna view?

Thursday, September 8, 2011

.



L i g a w - T i n g i n
Ezzard R. Gilbang
Sinasalubong mo ng patagong pansin
ang tingin kong walang masambit na tinig.
Na sanlibo’t isa ang nais bigkasin
at higit sa bihis ng hugis at guhit
ang kahulugan na nais kong sabihin.
May anyayang tugon ang iyong pagsulyap.
May hiwagang alok sa aking haraya.
May mahikang haplos na ayaw kumurap
sa pananaginip ng mulat kung diwa
kapag ang mata mo’t mata ko’y nag-usap.
Ngunit nahuhulog ang luhog kong handog
sa bangin ng titig na ayaw manulay
sa mga katagang sa hangin ‘sinabog.
Sa hanging libingan ng lahat kong alay.
Magbabangon kaya ang aking pagdulog?
Hanggang sa ang sulyap mo ay naging mailap
Sa tingin ko’y pilit mo nang inilayo.
Pala’y ang puso mo’y iba na’ng katiyap,
sa iba’y tumugon ng kapwa pagsuyo.
At minsang ang mata natin ay mag-usap,
Ang hangi’y umihip ng himig pagsumbat.
  
halik ni spiderman
Ryan Andrew Dizon
dampi ng labing ulap ang ramdam
laway ay tamis ng pulot ang taglay
hiningang nagdaan sa init ng bugso
lambot ng dilang naglalaro ng pag-ibig


 

zwani.com myspace graphic comments

kaluluwa mo'y halos lumikas ng tahanan
naghawak na kamay siyang bumuo ng pangako
ikaw ay akin sa sandali
panahong tumatak sa hubad na isip

nakitang ikaw nga ay aking iniibig ♥


Ikaw Na
Claire Serquina
ikaw na ang pangarap na aking tangan
mistulang bahaghari kasunod ng ulan
ang sinag ng aking araw at bituin sa karimlan
abang ang umagang walang katapusan

winaglit ang kahapon na puno ng lumbay
lumisan sa agos ng madalamhating buhay
iyong binuo ang pira-pirasong tulay
patungo sa pusong akala ko'y nahimlay

ginising ang diwa ng iyong pagsinta
nahulog ang damdamin sa balon ng saya
tumigil sa pag-ikot ang mundong balisa
upang magbabad sa bisig mong payapa

sa iyo na ibabaling ang lahat ng pansin
ako'y ihatid sa kung saan man nais marating
nagkasala man, pag-ibig ko ang salarin
bihagin ang lingkod sa rehas ng iyong loobin

ikaw na at ako sa darating pang taon
sinagot ang hiling sa mahabang panahon
sabay tayong tatahak sa hinaharap nakatuon
ikaw lang ang iibigin hindi lamang sa ngayon
zwani.com myspace graphic comments
 
Ikaw at Ako
Jared Richard Uy
Ikaw ang may kagagawan
Kung bakit dating mundo'y nilisan
Hinarap ang di kilalang daigdig
Para sa natatanging pag-ibig

Ikaw ang kaloob ni Bathala
Kahit pagitan nati'y buwan at mga tala
Napangyaring magkrus ang landas
Oo, masarap pa pala gumising bukas

Ikaw ang nagpapangiti sa aking mundo
Kulay itim, naging puti sa piling mo
Bawat segundong malayo ka
Kapalit saki'y masidhing pagdurusa

Ikaw ang simbolo na buhay ako
Nag-iisang dahilan ng aking kaligayahan
Pinagmumulan ng lakas sa pag-gising
Kasama sa pagtulog ang isang hiling

Ikaw ang musika sa aking isipan
San man magtungo, tinig mo ang napapakinggan
Kahit sino ka'y wala akong pakialam
Mahagkan ka lamang, ito ang tanging asam

Ikaw ang aking sinta
kahit hindi tayo madalas magkita
Darating ang araw, paghihintay ay matatapos din
Ikaw at ako, anuman ang mangyari
Walang pipigil sa atin
 
Karugtong Na Bulong, Noon At Ngayon
Raul Funilas
Binulungan kita:
Usal ko'y: I love you!
Ikaw'y malikmatang
Sabi'y: I love you too!

Iyon ang simula
Ng ating pag-ibig,
Tayo'y mga batang
Sadyang nanaginip.

Panahong limayo'y
Bumilang ng buwan,
Hindi naglalaho
Ang pagmamahalan.

Ang bulong ko noon
Ay tulad rin ngayon.




No comments:

Best Blogger TipsComment here

Put Your Comments & Feedbacks here :)

W.A.R.N.I.N.G!!

I ♥ ME !

Myspace Graphics
Myspace Graphics
Myspace Graphics
Myspace Graphics
Myspace Graphics